Talakayang Pang-wika at Panitikang Lokal at Rehiyonal Tungo sa Pagbubuo ng Bansa Tampok sa Open Talk 15
superadmin2023-04-20T13:59:06+08:00Naganap ang talakayan tungkol sa “Wika at Panitikang Lokal at Rehiyonal tungo sa Pagbubuo ng Bansa” sa OPEN Talk 15 ng UP Open University (UPOU). Ito ay ginanap noong ika-20 ng Oktubre 2021. Ang palatuntunan ay pinamunuan ni Bb. Zoey Aluag, guro ng palatuntunan at Dr. Jayson de Guzman Petras bilang tagapadaloy ng usapan. Kasama ang panauhin sa talakayan na sina Assoc. Prof. Dr. Raniela E. Barbaza, manunulat at guro mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman, at Assoc. Prof. Jesus Federico C. Hernandez ng Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo ng Agham [...]