talaSalitaan online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan.

Sa pagtutulungan ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL), inihahatid ngayong Buwan ng Wika 2023 ang pilot episode ng online magazine show na talaSalitaan online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan. Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) na nagtatampok ng iba’t ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disipina. Nagbabanyuhay ito sa anyong online para sa maipahatid sa nakararami ang mga napapanahong usapin sa wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa akademya at bayan.

Para sa unang episode, magbibigay-tuon ang programa sa Palisi sa Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Tatlumpu’t apat na taon makalipas ang pagtatakda ng patakaran, kumusta na ang estado ng wikang Filipino sa UP? Ano ang kasalukuyang sitwasyong pangwika ng Unibersidad at ano-ano ang mga salik na nagbunsod ng ganitong kalagayan? Paano kaya mapag-iibayo pa ang pagsusulong ng wikang Filipino sa loob at labas ng UP?

Magsisilbing mga Tagapagsalita sina:

  • Dating Direktor ng SWF-UPD Dr. Galileo S. Zafra; at
  • Propesor sa Pagpaplanong Pangwika at Araling Pilipino Dr. Melania L. Flores.

Tatayong Tagapagpadaloy naman ang kasalukuyang Direktor ng SWF-UPD, Dr. Jayson D. Petras.

Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan! Mapapanood ito nang live sa 18 Agosto 2023, 2:00-3:00nh sa networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online, sa UPOU Networks Facebook Page, at sa SWF-UPD Youtube Channel

#UPOpenUniversity

𝗟𝗲𝘁’𝘀 𝗺𝗮𝗸𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘆𝗲𝗮𝗿 𝗼𝗳 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴! We are bringing you 𝟰𝟰 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗠𝗢𝗢𝗖𝘀 covering a wide range of topics to spark your curiosity and fuel your growth!All courses are 𝗙𝗥𝗘𝗘, 𝗦𝗘𝗟𝗙-𝗣𝗔𝗖𝗘𝗗, and 𝗢𝗣𝗘𝗡! Earn e-certificates you can add to your resume as 16-hour training. 𝗛𝗲𝗿𝗲’𝘀 𝗛𝗼𝘄 𝘁𝗼 𝗚𝗲𝘁 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: If you already have a MODeL account, simply self-enroll in the courses featured on our website homepage: model.upou.edu.ph/ Don’t have a MODeL account yet? Follow these steps:1. Fill out the registration form: url.upou.edu.ph/upoumodel-signupNOTE: We create accounts in bulk every Thursday, with a weekly cut-off at 4 PM on Wednesday. Requests after the cut-off will be processed the next week.2. Once you receive your login details, sign in to your account.3. Change your password to something secure.Need Help? Chat with Openg, our very own chatbot, at model.upou.edu.ph.Take the first step toward lifelong learning and register today! ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.