Tampok sa episode 19 ng OPEN Talk ang tungkol sa katutubong kaalaman at ang intregasyon nito sa iba’t ibang disiplina. Pag-uusapan natin ang importansiya ng katutubong kaalaman at kung paano ito magagamit sa ating lipunan sa panahong ito.
Upang talakayin ang mga usaping nabanggit, makakasama natin ang sumusunod na mga guro mula sa Unibersidad ng Pilipinas:
• Dr. Raymundo D. Rovillos
Propesor, Kolehiyo ng Agham Panlipunan, Kolehiyo ng Agham Panlipunan, UP Baguio
• Dr. Mary Jane B. Rodriguez-Tatel
Kawaksing Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman
Nagbabalik si Dr. Jayson de Guzman Petras bilang tagapagpadaloy ng usapan. Si Dr. Petras ay ang Kawaksing Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Gawain, at Publikasyon, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at Affiliate Faculty sa Faculty of Education ng UP Open University.
Ang OPEN Talk ay mapapanood sa ika-2 ng Pebrero 2022, mula ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks