Open Talk 17: Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan sa Filipino

Sa pagdiriwang ng araw ni Andres Bonifacio, tampok sa OPEN Talk ang pangatlong yugto sa serye tungkol sa Wikang Filipino. Tatalakayin natin ang iba’t ibang usapin kaugnay ng pagsasalin ng mga  dokumentong teknikal at tekstong pampanitikan sa Filipino.

Alamin natin ang mga pananaw at maibabahaging karunungan ng mga sumumusod na eksperto:

• Prof. Eilene Antoinette G. Narvaez, Katuwang na Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman

• Dr. Romulo P. Baquiran Jr., Direktor, Institute of Creative Writing, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman

Muli, si Dr. Jayson de Guzman Petras ang magiging tagapagpadaloy ng usapan. Si Dr. Petras ay ang Kawaksing Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Gawain, at Publikasyon, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at Affiliate Faculty sa Faculty of Education ng UP Open University.

Ang OPEN Talk ay mapapanood sa ika-30 ng Nobyembre 2021, mula ika-6:00 hanggang ika-7:00 ng gabi (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

Ang episode na ito ay hatid ng UPOU Faculty of Education at ng UPOU Multimedia Center.

#UPOpenUniversity

See you in a few, e-skolars! 🫣Our event organizers will meet you at the UPOU Main Building if you need assistance with arrival at our Audio-Visual Room at the Headquarters. 🏳️ For our online participants, our Zoom Background and Zoom link have been sent to your registered email. If you need assistance, please feel free to comment on this post so we can coordinate with your concern. We look forward to a fruitful and productive educational discussion day with you! In the pursuit of meaningful education, your Service Learning Option e-skolars are ready to serve you. 🤍#beinganeducator#GuroNgBayan#eds110slo#UPOU ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.