Mag-isaisip: Conversations on Mindfulness

Puhunan ang lusog-isip kaya dapat itong pahalagahan at alagaan. Ang nakaraang mahigit na dalawang taon nating pagharap sa pandemya, ay isang malaking hamon sa hindi laman sa ating pisikal na pangatawan, ngunit higit sa lahat sa ating lusog-isip. Sa ika-limang episode ng seryeng ito, pag-uusapan ang tungkol sa konsepto ng mag-isaisip o mindfulness at kung paano ito pangangalagaan. Makakasama natin si Assoc. Prof. Marshaley Baquiano mula sa University of Guam at isang volunteer ng Committee of Psychosocial Emergency Services (CoPES) upang tumalakay sa konsepto.

Ang host ng episode ay si Asst. Prof. Rachelle Bersamin mula sa Department of Social Sciences ng UP Mindanao at Committee of Psychosocial Emergency Services (CoPES) Representative, UP Mindanao Ugnayan ng Pahinungód.

Mapapanood ang episode na Mag-isaisip: Conversations on Mindfulness sa ika-16 ng Mayo, 6:00PM (GMT+8) sa mga sumusunod na link:


https://networks.upou.edu.ph/usaplusogisip/
https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks
https://www.facebook.com/UPMindanao
https://www.facebook.com/PahinungodSaVisayas/
https://www.facebook.com/UgnayanNgPahinungodSystem

#UPOpenUniversity

Sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng UP Open University, malugod kayong inaanyayahan ng All UP Workers Union (AUPWU) at All UP Academic Employees Union - OU Chapter (AUPAEU - OU) sa “Pamantasang Bukas, Tahanang Bukas” sa ika-24 ng Pebrero 2025. Ang pagbubukas ng tahanan ay magsisimula sa ganap na ala-1 hanggang alas-5 ng hapon sa Community Hub, UP Open University, National Highway, Barangay Maahas, Los Baños, Laguna. Nais naming buksan ang pinto ng Unibersidad upang maipakilala ang gawain, adbokasiya, at maging ang mumunting komunidad namin sa loob ng pamantasan.Magkakaroon ng tour sa aming mapagkalingang tahanan – mga espasyong hindi karaniwang nakikita sa publiko ngunit buhay na patunay ng pagsusulong ng open and distance e-learning (ODeL). Bukod sa pagbisita sa mga espasyo, ipapakita rin sa atin sa unang pagkakataon ang exhibit ni Carlo Dimaano, Artist-in-Residence/Futurist-in-Residence ng Faculty of Information and Communication Studies na pinamagatang Aglomerasyon: Mga Tunog at Imahe ng Ilusyon at Alyenasyon. At siyempre, magkakaroon din ng mga palaro at mumunting papremyo. Halina’t samahan kami sa pagbubukas ng ika-30 anibersaryo ng UPOU! Umaasa kami sa inyong pagdalo!#UPOpenUniversity #publicservice #UPOUat30 #AUPAEU #AUPWU ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.