Inaanyayahan ang kaguruan (regular faculty, REPS with teaching load, lecturers, teaching assistants, teaching fellows, professor emeriti) ng UPLB at UPOU sa “Ang Guro at ang Bayan: Faculty Forum” na magaganap sa 17 Oktubre 2022, 9:00 am hanggang 11:00 am sa Audio-Visual Room, 2F, UPOU Main Bldg. Mapapanood din ito sa pamamagitan ng Zoom at AUPAEU-LB Facebook page. Ang faculty forum na ito ay inorganisa ng AUPAEU-LB at AUPAEU-OU bilang bahagi ng pagdiriwang ng Acad Union Month.
Ibabahagi ni Prop. Carl Marc Ramota, dating AUPAEU National President at kasalukuyang Director-at-Large, ang “UP Situationer: Mga Hamon sa Ligtas na Opisina at Balik-Eskwela.” Tatalakayin naman ni Dr. Ramon “Bomen” Guillermo, dating Faculty Regent, ang “Redtagging at Represyon sa Loob ng Akademya.”
Para magpareserba ng upuan o makatanggap ng Zoom meeting details, magparehistro gamit ang QR code sa poster o ang link na ito: https://bit.ly/GuroatBayan2022. Ang mga dadalo sa F2F na programa ay maaaring magpatala para sa libreng sakay mula UPLB papuntang UPOU.
Makatatanggap ng sertipiko ng partisipasyon ang mga dadalo sa venue o manonood online na makapagsasagot ng evaluation form pagkatapos ng programa.
Kita-kits, mga ka-Unyon!