Tampok sa ika-26 episode ng OPEN Talk ang “Wika at Kasaysayan sa Hamon ng Disimpormasyon.” Dito ay pag-uusapan ang maiinit na usapin tungkol wika at kasaysayan sa ating bansa. Mula rito ay susuriin din ang halaga ng ating pambansang wika at kasaysayan para sa pagtataguyod ng karapatan, katotohanan, at katarungang panlipunan.
Ang episode na ito ay binuo ng UP Sentro ng Wikang Filipino – Diliman at ng UPOU Multimedia Center.
Ang mga panauhing tagapagsalita ay ang mga sumusunod:
- Prof. Emeritus Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
- Prof. Emeritus Ma. Luisa T. Camagay, Pangulo, Philippine Historical Association
Si Dr. Jayson de Guzman Petras, Direktor ng UP Sentro ng Wikang Filipino – Diliman, ang tagapagpadaloy.
Mapapanood ang OPEN Talk: “Wika at Kasaysayan sa Hamon ng Disimpormasyon” sa ika-17 ng Agosto 2022, mula ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks