Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tatalakayin sa OPEN Talk ang tungkol sa wikang Filipino sa konteksto ng internasyonalisasyon ng edukasyon. Kasama sa pag-uusapan ang kahalagahan ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang pambansa sa panahon na ito ng internasyonalisasyon at “borderless learning”. Malaki nga ba ang epekto nito sa pagpapayabong ng paggamit ng wikang pambansa? Dahilan nga ba ang mga ito kung bakit marami na ang nahihirapan na magsalita, magsulat, at magbasa sa wikang Filipino? Ilan lamang ito sa mga paksang pag-uusapan sa episode na ito ng OPEN Talk, na nabuo sa tulong ng EDUKussion ng Faculty of Education, UP Open University.
Ang mga panauhing tagapagsalita ay ang mga sumusunod:
• Assoc. Prof. Dr. Gerard P. Concepcion, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman
• Asst. Prof. Deborrah S. Anastacio, Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle
Ang tagapagdaloy ay si Dr. Jayson de Guzman Petras na taga UP Diliman bilang Katuwang na Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Akda, at Publikasyon, Kolehiyo ng Arte at Literatura, at bilang Katuwang na Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Isa din siyang Affiliate Faculty sa Faculty of Education ng UP Open University.
Ang live na diskusyon ay magaganap sa 18 Agosto 2021, mula 6:00 pm hanggang 7:00 pm, at mapapanood sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks